Patricia Javier, kinumbinsi ng mister na mag-pose sa men’s mag

Patricia-JavierMULING NAG-POSE para sa April Issue ng FHM ang mother of 2 at former sex siren na si Patricia Javier na aprubado ng kanyang foreigner na husband.

Tsika nga ni Patricia nang bumisita ito sa DZBB 594 sa programa ni Kuya Germs Moreno na Walang Siyesta para mag-promote ng FHM, “Actually hindi ako ang may gusto na mag-pose ulit sa FHM. Bale ‘yung mister ko ang nag-convince sa akin na mag-pose ulit.
“Kasi nga dati, nasabi ko na nang bumalik ako sa bansa na hindi na ako magpo-pose ulit dahil nga married na ako, and I have two kids na lalaki na lumalaki na. Sabi ko nga dati na I can do sexy roles sa mga pelikula o teleserye, pero hindi na katulad ng dati, medyo may limitations na.
“Pero ‘yung husband ko ang nagsabi sa akin na mag-pose ulit sa FHM. Na para raw malaman ng mga supporters ko na nandidito na ako, na I’m back sa showbiz.
“And also to influence all the womens especially nga mothers na kahit nga mommy na tayo, dapat, kailangan na hindi natin pabayaan ang sarili natin. Dapat kahit mommy na tayo, we have to look good and mas lalong nagkakaedad, dapat mas lalong gumaganda at hindi nalolosyang. Timeless beauty dapat.
“‘Wag tayong tumigil sa pagpapaganda, dapat aalagaan natin ang sarili natin kahit may asawa na tayo,” pagtatapos ni Patricia.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.