Patong sa ulo ni Palparan, P1-M na!

INANUNSIYO NI Justice Sec. Leila de Lima na itinaas na nila sa P1 milyon mula sa P500,000 ang patong sa ulo ng puganteng si retired Maj. Gen. Jovito Palparan.

Si Palparan ang sinasabing nasa likod ng pagdukot sa dalawang aktibistang sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño noong taong 2006.

Napagkasunduan nila ni Interior Sec. Jesse Robredo ang nasabing reward money para sa mas mabilis na pagtukoy ng kinaroroonan ni Palparan, ayon kay de Lima.

Naniniwala si de Lima na sa pamamagitan ng naturang halaga ay mas marami ang magkakainteres na hanapin ang nabanggit na puganteng heneral.

Samantala, may magandang lead na umano ang mga kinauukulan sa kinaroroonan ni Palparan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.