Pati sa panaginip, nagpaparamdam si Douglas!

NASA CEBU PA ako ngayon dahil pinagbakasyon ko ang panganay kong anak na galing ng Amerika kasama ang asawa niya at ang nag-iisa kong apo. Kasama rin ang dalawa kong pamangkin na galing ng Amerika kaya halos buong pamilya kami rito ngayon.

Muntik na ngang hindi ako matuloy dahil sa nangyari sa bestfriend kong si Douglas Quijano. Pero kinagabihan nu’ng namatay siya, napanaginipan ko agad siyang pinagsasabihan daw akong ituloy ko ang bakasyon ko dahil nandito siyempre ang nag-iisa kong apo. Minsan lang naman daw silang magbakasyon dito kaya dapat naman na makasama ko raw sila.

Naalala ko kasi nu’ng unang bakasyon dito ng anak ko at ng apo ko, nagalit si Douglas sa akin dahil hindi ko man lang daw dinala sa kanya ang apo ko. Nairita pa ito kung bakit nauna pa raw itong nakita ni Butch Francisco, eh siya naman daw ang lolo nu’n.

Kaya nangako akong sa susunod nilang bakasyon, makikita na niya ang apo ko na apo na rin niya siyempre. Nakalulungkot lang dahil hindi na umabot si Douglas. Ang bigat sa dibdib dahil nang dinala ko na sa kanya ang apo ko, nakahimlay na siya sa kabaong niya.

Ayaw ko na sanang sumama nu’n sa Cebu pero alam ko ayaw ni Douglas na gawin ko ‘yun, kaya tumuloy na ako. Dumating kami rito sa Cebu nu’ng Linggo ng hapon at kinagabihan, napanginipan ko na naman siya. Nakakaloka dahil ang dati pang biruan namin ang napaniginipan ko sa kanya.

Pinagsasabihan daw niya ako sa panaginip ko na baka kukupitin ko raw ang mga bigay sa kanya. Dati kasi nu’ng namatay ang lola niya, lagi niya akong binibiro na baka kinukupit ko na raw ang mga abuloy. Nakakaloka talaga si Douglas dahil talagang pinaparamdam na niya sa akin ang sobrang pagka-miss ko sa kanya.

Kung sobrang nasaktan at nami-miss siya ng mga alaga niya at ng mga taga-showbiz na nagmamahal sa kanya, mas lalo ako dahil siya lang ang madalas kong kasama nu’ng nagsisimula pa ako. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. Wala na akong makikitang kasing bait na kaibigan gaya ni Douglas.

Bukas pala, magkakaroon ng pamisa ang samahan naming mga talent managers na PAMI at ito rin ang sponsor ng dinner.

Sa Sabado na ang creamation kay Douglas, pero hindi ko pa alam kung kailan ang libing dahil pagdedesisyunan pa ito nina Richard Gomez at Joey Marquez.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Pati sa panaginip, nagpaparamdam si Douglas!

  1. Sabi ko na nga ba kay Lolit ito. Basta PANAGINIP sya lang ang may karapatan. PANAGINIP nalang ang source nya s mga sinusulat nya. Pati panaginip nya kay rudy. Di kaya hinahabol ka na ng mga na atraso mo? Ingat ka bka mbangungot ka.Haha RIP LOLIT. Masaya yun.Haha

  2. Sabi ko na nga ba kay Lolit ito. Basta PANAGINIP sya lang ang may karapatan. PANAGINIP nalang ang source nya s mga sinusulat nya. Pati panaginip nya kay rudy. Di kaya hinahabol ka na ng mga na atraso mo? Ingat ka bka mbangungot ka.Haha RIP LOLIT. Masaya yun.

Leave a Reply

Your email address will not be published.