Pati Paggamit ni PNoy sa Malampaya fund
PDAF, labag sa batas – SC

UMANI NG unanimous vote na 14-0 ang pag-dedeklara ng Korte Suprema bilang unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Base sa resolusyon ng Supreme Court (SC), kinakitaan ng sapat na basehan ang reklamo ng mga petitioner kung kaya pinanigan sila ng mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Una rito, patung-patong na petisyon ang tinanggap ng SC matapos matuklasang ginagamit ng ilang mambabatas ang kanilang PDAF sa mga maintrigang proyekto.

Nakadagdag din ang pagkakadawit ng mga senador at kongresista sa PDAF scam.

Samantala, idineklara ring labag sa batas ng SC ang paggamit ng Malampaya fund bilang discretionary funds.

Base sa botong 13-1, nakasaad sa desisyong inilabas ng korte na ikokonsiderang ilegal sa batas ang paggamit ng nasabing pondo mula sa Malampaya gas project sa Palawan kung walang kinalaman sa energy development at energy exploration projects ang paggagamitan nito.

Saklaw nito ang probisyong nagbibigay-pribilehiyo sa Pangulo ng bansa na ituon ang pondo sa ibang proyekto bukod sa energy-related projects.

Dahil sa kautusan, hindi na maaaring ma-gamit ang pondo sa iba pang proyekto.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.