Pati kalahi, niloko; Nigerian Pastor, kulong

 

SWAK SA KULUNGAN ang isang Pastor na Nigerian national nang madakip ng mga tauhan ng Crimininal Investigation and Detection Group (CIDG) – Caloocan Police sa isinagawang entrapment operation makaraang ireklamo ito ng kanyang mga kababayan ng panloloko kahapon ng hapon sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng CIDG Caloocan Police ang suspek na nakilalang si Stephen Tetteh, 30, may-asawa, church minister, ng Brgy. Tumana, Sta. Maria, Bulacan.

Sa nakalap na impormasyon ni SP03 Ric Concepcion, ng CIDG-Caloocan police, dakong alas 4:30 ng hapon nang madakip ang suspek sa loob ng Jollibee sa Almar cor. Zabarte, Camarin, ng nasabing lungsod.

Ayon sa reklamo nina Akande Jumoke at Fidelis Markus, kapwa Nigerian national at parehong pansamantalang naninirahan sa Phase 1, Bagong Silang Caloocan City, hinikayat sila ng suspek patungong Canada at Lebanon para magtrabaho kapalit ng malaking halaga ng salapi, subalit nang maibigay ng mga ito ang perang hinihingi may buwan na ang nakalipas ay hindi pa sila nakakaalis at katuwiran ni Tetteh ay kailangan pa ng malaking halaga ng pera para sa karagdagan.

Dito, nagduda na ang mga biktima kung kaya’t tumungo ang mga ito sa nasabing himpilan ng pulisya para magsampa ng kaso laban sa suspek.

Agad namang isinagawa ang naturang entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek kung saan nakuha rito ang dalawang pirasong P500 na mark money.

Si Tetteh ay nahaharap sa mga kasong Illegal Recruitment, Human Trafficking at Estafa sa piskalya ng Caloocan City Prosecutor’s Office.                                                          (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.