Patay sa Panahon ng Halalan, 50 na

LIMAMPU NA ang naitatalang nasawi ngayong panahon ng eleksyon.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ito’y matapos na ring makapagtala ng 81 election-related incidents simula noong Enero 3.

Gayunman, itinuturing pa rin nilang pangkalahatang naging mapayapa ang mismong araw ng halalan kamakalawa.

Mas mababa rin anila ang election-related incidents ngayong taon kumpara noong taong 2010 presidential elections kung saan nakapagtala ng 146 at 54 ang namatay.

Sa ngayon, patuloy namang nakaantabay ang PNP sa iba pang insidenteng may kinalaman sa botohan mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.