Patay sa ‘Pablo’, Pumalo na sa 1,020 – NDRRMC

PUMALO NA sa 1,020 ang bilang ng mga namatay sa hagupit ng bagyong Pablo sa bansa. Ito ang kinumpirma ni NDRRMC Exec Director Usec Benito Ramos kahapon.

Ayon sa talaan ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), may 844 iba pang biktima ang nawawala habang aabot sa 2,662 ang sugatan.

Sinabi ni Ramos na umakyat na rin sa P24,160,920,,528.05 ang kabuuang halaga na pinsalang dulot ni Pablo.

Paliwanag ni Ramos na umaabot sa P7,761,431,3120 ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, habang umaabot naman sa P16,350,529,805 ang pinsala sa agrikultura.

Ayon pa kay Ramos, umaabot na rin sa 6,937 pamilya o 27,735 indibidwal na ang nakatira ngayon sa mga evacuation center. Dagdag pa nito na nasa 30 bayan naman ang wala pa ring suplay ng kuryente sa Mindanao na sobrang sinalanta ng bagyo. Patuloy naman ang search, rescue, retrieval at relief operations ng pamahalaan para sa mga biktima ng bagyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.