Patay sa lindol, 44 na

INAASAHAN PA ang paglobo ng mga namatay sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa maraming lugar sa Visayas kahapon.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), as of 4 am kahapon, 15 pa lamang ang body count at identified habang 29 ang nawawala.

Sinabi ni NDRRMC Director Benito Ramos na itinuring ng iba na patay na ang nawawala kaya naman naiulat na 44 ang nasawi subalit umaasa sila na may maililigtas pa sila.

Sa bayan ng Tayasan na siyang sentro ng lindol, dalawa ang namatay na nakilalang sina Bernadette Raidan, 9 taong gulang; at Ramon Ganti.

Sa Jimalalud, dalawa rin ang namatay: sina Anafe Estrabella, 12 anyos; at Manolita Corceiga, 10 taon.

Sa Guihulngan City, siyam ang namatay na kinilalang sina Betty Yap Manzano, 62 anyos; Cherry Pagao, 23; Gilbert Ubando, 13; Eric Benigay, 7; Maricar Narciso, 37; Aljun Sabando, 7; at tatlong hindi pa nakikilala.

May tig-isa ring namatay sa bayan ng Bindoy at sa Bais City. Inatake sa puso si Acebes Palumar ng Bais City habang nakilala lang sa apelyidong Bayloces ang nasawi sa Bindoy.

Samantala, mayroon namang naitalang 52 nasugatan, kung saan 40 rito ang ginagamot pa sa Guihulngan hospital.

Noong Lunes ng gabi, iniulat na ni Col. Francisco Patrimonio, commander of the Army’s 302nd Infantry Brigade na 43 na ang nasawi kung saan 29 dito ang namatay sa pagguho ng lupa sa Sitio Moog, Barangay Planas sa Guihulngan City at 10 pa sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Patay sa lindol, 44 na

Leave a Reply

Your email address will not be published.