Patay sa landslide sa ComVal, 30 na – NDRRMC

UMAKYAT NA sa 30 ang bilang ng mga narekober na bangkay sa nangya-ring landslide sa isang gold panning area sa Compostela Valley.

Maliban dito, batay sa report ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Benito Ramos, tinatayang nasa 44 ang iba pang nawawala kasunod ng malagim na insidente.

Kinilala ng opisyal ang mga bagong naitalang fatalities na sina Rey Man-ao, 22 anyos, ng Kapolong, Davao del Norte; at Paterno Señoron na residente ng La Filipina, Tagum City.

Matatandaang nangyari ang malaking pagguho ng lupa sa bahagi ng Barangay Napnapan, Pantukan, Compostela Valley Province noong Enero 5 ng madaling-araw.

Inihayag din ng opisyal na karamihan umano sa mga biktima ay mga dayo lamang na nagtungo sa nabanggit na lugar para mag-hukay ng ginto.

Sa katunayan, tinukoy pa ni Ramos ang isa sa mga nasawing biktima na si George Camide na umano’y nanggaling pa ng Bontoc, Mountain Province.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.