Patay Sa Hagupit Ng Habagat, Umakyat Na Sa 20

UMABOT NA sa 20 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bagsik ng habagat na nagdulot ng malakas na pag-ulan, pagbaha at landslide sa iba’t ibang lugar sa Luzon ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ito ay base sa ibinigay na ulat ng nasabing ahensiya sa naganap na briefing kahapon sa harap ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, kung saan sa orihinal na 16, nadagdagan pa ito ng apat pa sa kalagitnaan ng pagbibigay ng report.

Karamihan sa mga binawian ng buhay ay biktima ng landslide at pagbaha samantalang apat naman ang naitalang sugatan.

Pinakahuling nadagdag sa listahan ang magkapatid na Anna Mae at Anna Marie Pansipani na tinangay ng malakas na agos ng Tanuan River.

Kabilang din dito ang siyam na miyembro ng pamilya Baylon na namatay matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nasawi: Jayson Baylon, 16; Jayvee Baylon, 20; Jissele Baylon, 7; Cecilia Baylon, 50; Jonathan Castulo, 3; Junica Castulo, 3 buwang gulang; Jessica Baylon; Jethro Baylon; Joshua Castulo; at Roel Farbros sa NCR; Darel Flores, 9; Tracy Nunang Estrella, 11; Stephanie Ballon Marquez, 3; Ariem Menes, 19; at dalawa pang wala pang pagkakakilanlan sa

Region III; Anna Marie Pansipani; Anna Mae Pansipani; at isa pang hindi pa nakilala sa Region 1V-A; at isa pa ring walang pagkakakilanlan sa Region I.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.