Patay sa Flashflood At Landslide, Umabot na sa 60

PATULOY ANG PAGLAKI ng bilang ng mga nasasawi bunsod ng pananalasa ng pag-ulan na nagresulta sa flashfloods at landslides sa Region 4B, 5, 6, 7, 8, 10, 11, 12, CARAGA at ARMM.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Ma-nagement Council (NDRRMC), nadagdag sa talaan ang dalawang nalunod sa Davao del Sur at ang isa sa Camarines Norte.

Nananatili naman sa 10 ang sugatan habang umakyat na sa 27 ang nawawala.

Umabot na sa halos 348,000 pamilya o halos 1.8 milyon katao ang apektado ng kalamidad mula sa 25 lalawigan.

Patuloy rin ang pagbibigay ayuda ng pamahalaan sa mga apektado ng kalamidad. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.