Patay sa Diarrhea at Cholera Outbreak sa Catanduanes, 22 na

UMABOT NA sa 22 ang namatay dahil sa Diarrhea at Cholera outbreak sa Catanduanes.

Umakyat na rin sa mahigit 1,600 ang hinihinalang kaso pa ng Cholera at Diarrhea sa nasabing lalawigan.

Dahil dito, marami nang residente sa Barangay San Isidro ang nag-aatubili nang mag-igib ng tubig at naghihintay na lang ng rasyon mula sa Department of Health (DOH).

Sa ngayon, nagsasagawa na rin ng survey ang pamahalaang panlalawigan para makakuha ng malinis na pagkukunan ng tubig lalo na sa mga lugar na may nag-positibo sa Cholera.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.