Patay na patay sa kanyang fan: young actor nagwala sa set dahil sa selos!

SINO ITONG young aktor na usap-usapan ngayon sa bakuran ng isang higanteng TV network ang balitang nagwala raw sa kasagsagan ng taping ng kanilang pang-madaling-araw na show kamakailan.

Ang siste raw, nalaman ni young actor na ang kanyang girlfriend na isang fan ay may ibang karelasyon na mula naman sa isang grupo ng kabataang lalaki na kasamahan niya rin sa nasabing show. Nabasa raw ni young actor ang pagpapalitan ng sweet messages sa text ng kanyang GF na fan at ng isa sa miyembro ng nasabing boyband, kaya naman nagulat ang lahat nang nagsisigaw ito at mukhang galit na galit.

Kaya naman daw biglang nawala sa sarili si young actor at nagwala habang hinahanap daw ang kanyang GF na nasa dressing room daw ng pinaghihinalaan nitong dyowa ng kanyang fan na GF. Kaya naman daw nag-abot ang young actor, dyowa nitong fan at miyembro ng boyband ay handa na itong suntukin ng young actor na napigilan lang ng mga taong naroroon.

Tsika pa nga ng aming source, nagulat daw ang lahat dahil ‘di nila inakala na sa guwapo ni young actor na mula sa angkan ng mga artsita ay mababaliw sa kanyang fan at handang manapak ng mga kasamahan sa show, kahi’t marami ang mga taong naroon dahil sa selos.

Ayaw ng mga bayani natin ang ganyang attitude, sayang at isa pa mandin si young actor sa hinuhulaang aalgawa ang career, dahil sa artistahin pa naman ang hitsura nito at isa sa inaalagaan ng nasabing higanteng network at isang malaking film outfit. 

(By Melchor Bautista)

Previous articleRaph Salazar: Junior Singer Grand Champion of the World
Next articleNadiskubreng bading: senador, hiniwalayan ni misis; ipinagpalit sa pulitiko rin!

No posts to display