Patay na kuko, pinatago ni Derek kay Angelica by Pilar Mateo

BLOKE’S STROKE: OO! Napag-usapan na ang mini Cooper na advanced anniversary gift ni Derek Ramsay sa kanyang nililiyag na si Angelica Panganiban. Naisip naman daw niya na ito naman ang ibigay sa kasintahan kesa naman daw puro na lang bag ang inireregalo niya sa dalaga.

At mukhang dahil sa pagmamahalan nilang ito ni Angelica kung kaya naman kahit na ang peg nu’ng una ni Derek eh ay masalang sa mga action scenes sa TV man o sa pelikula,  this time ay nasa listahan na siya ng mga kinakikiligan ng mga manonood.

Gaya na lang sa papel niya ngayon sa And I Love You So with Sam Milby and Bea Alonzo. Halos 90% daw ng karakter niya sa pelikula, eh, siya in real life.

Nilinaw naman ni Derek nang tanungin ko siya kung nagli-live-in na ba sila ni Angelica at malutong na hindi ang ibinalik nito sa amin. Pero madalas nga raw silang magkasama at depende na ito kung sa bahay niya o sa bahay ni Angelica sila naglalagi.

Pero dahil binanggit niya na hindi na pritong manok ang iniluluto ni Angelica sa kanya ngayon kundi tinola’ng manok na, na una muna nitong ipinatikim sa mga kasama sa taping at litrato muna ang ipinadala sa kanya.

Pero mas masarap pa rin daw at mas gusto pa rin niya ang version ng corned beef ni Angelica na unang iniluto ng dalaga para sa kanya.  Simple lang ito pero may sili. At nu’ng nasa college pa lang siya, ito na ang kinahiligan niyang kainin.

Hindi pa naman daw nila napapag-usapan ang kasal ni Angelica. Pero ang status ng relasyon nila ngayon, eh, palalim na nang palalim. Very soon nga, magta-travel sila together, pero sa Asya lang muna. Ang next big plan niya for Angelica, eh, sa UK kung saan siya lumaki at nag-aral.

Nabuking din namin-may kakaibang quirks din pala ang aktor sa kanyang lady love, ha? Saan ka naman nakakita na ipinatago nito kay Angelica ang patay na kuko niya nu’ng sumali siya sa Championship ng Frisbee? At minsan, niregaluhan niya ng putik ang dalaga. Meron din siyang stem na napulot lang at ibinigay ito sa dalaga, na nabali naman daw.

Ang reaksyon ni lady love? Smile na maiyak-iyak daw sa tuwa. This bloke truly is one for the books!

SA UMPUKAN ng manunulat sa And I Love You So, nagging sentro ng  usapan ang mga members ng entertainment press na magbabakasyon sa Hong Kong this weekend care of Papi Willie Revillame and Wowowee.

Nag-react  ang marami sa ginawi ni Papi sa kanyang programa nang ipakita ang nagaganap sa itinuturing na Ina ng Ating Demokrasya.

Ang tanong kasi sa ilang PR ni Papi sa table ay kung paano nila ipagtatanggol si Papi sa naging akto nito sa harap  ng kamera na hanggang sa internet ngayon, lalo na sa Facebook,  eh, kaliwa’t kanan ang tinatanggap na batikos. Nagtuturuan ng sasagot ang mga Hong Kong-bound reporters.

No one stood up for Papi ?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

6 thoughts on “Patay na kuko, pinatago ni Derek kay Angelica by Pilar Mateo

  1. todo sipsip si wliie boy sa mga entertainment press para di na tirahin ang kayabangan at kabastusan niya!! KAPALmilya!

  2. advice for Derek sa bulok na kuko, magpabili ka sa Holland ng “KALKNAGEL OIL”. I’m not really sure about the exact name… medyo matagal ang treatment… depende sa damage…

    GOODLUCK…

  3. Thats so fun, regaluhan ng kuko,puTik at sanga, very thougHtful at sweEt yun for me.. S0metHing that u w0nt expect na ireregalo sau. There must be s0metHing oN it..Nice style derek…

Leave a Reply

Your email address will not be published.