Patay Kay Pablo, Lagpas 700 Na

PATULOY PA ring umaakyat ang bilang nga mga nasawi matapos tumama ang bagyong pablo sa bansa, mag-iisang linggo na.

Sa pinakahuling official death toll ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naitala na sa 714 ang bilang nga mga namatay habang nasa 890 iba pa ang patuloy na pinaghahanap.

Sa mga namatay, 457 umano ay nakilala na habang 257 pa ang hindi pa kinukuha ng kanilang mga kamag-anak.

Karamihan umano sa mga biktima ay mula sa lalawigan ng Davao Oriental, kung saan 336 ang patay at Compostela Valley na mayroong 327.

Mayroon pa umanong mahigit 116,400 ang nanatili sa mga evacuation centers.

Nauna nang naglabas ng “flash appeal” ang United Nations (UN) at mga humanitarian partners para matulungan ang mga biktima ng bagyong Pablo na may international name na Bopha.

Sa pahayag ng Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, umaapela ang UN ng kabuuang $65 million para magamit sa life saving aid at suporta sa recovery efforts para sa mga nasalanta ng kalamidad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.