Anak, Todas sa mga Sinita ng Tatay na Nag-iinuman

PATAY ANG isang lalaki matapos barilin habang nakikipag-rambulan makaraang sitahin ng tatay ng una ang mga nag-iinuman malapit sa kanilang bahay sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Christopher Tongco, 35 ng Santol St., Bagbaguin ng lungsod.

Nadakip naman si Rodelio Geslani, 48 ng General Geslani, 48, watchman ng Gen. Luis St., Bagbaguin ng lungsod

Sa ulat, alas-8:45 ng gabi, sinita ng tatay ng biktima ang mga nag-iinuman malapit sa kanilang bahay dahil maii-ngay na.

Nainis ang mga nag-iinuman at pinagtulungang bugbugin ang matandang Tongco.

Nang malaman ng biktima ang nangyari sa ama ay nagtawag ng mga kaibigan at binuweltahan ang mga nag-iinuman na naging dahilan ng rambulan.

Ilang residente ang tumawag ng mga tanod kung saan isa ang suspek sa rumesponde hanggang sa may pumutok.

Duguang bumagsak sa kalsada ang biktima na na-ging dahilan upang dalhin sa VGH, habang dinala naman ang mga nagrambulan sa barangay hall hanggang sa may lumutang na saksi at ang suspek ang itinuturong bumaril sa biktima na naging dahilan upang arestuhin at dalhin sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.