Patalbugan ng Friendship

IT GIRLS’ KUNG maituturing ang mga mala-diyosa sa ganda na sina Anne Curtis, Isabelle Daza, Georgina

Wilson, Solen Heussaff at Liz Uy. Marami sa mga ordinaryong Noypi ang hindi knows na magkakaibigan ang mga dalagang itech. O, ‘yan…ngayon, alam n’yo na! Isa-isa na ngayon silang gumagawa ng namesung sa entertainment scene. Si Anne Curtis ang unang pumasok sa showbizness kung saan isa siya sa mga sikat na aktres sa bakuran ng Dos. Humahabol na rin sa kasikatan ang artist na si Solenn Heussaff matapos itong mag-join sa Survivor Philippines Celebrity Edition. Hindi rin pahuhuli ang beauty queen na si Isabelle Daza na mayroon nang hosting career ngayon sa showbiz. In demand din ngayon ang sikat na modelo at pinsan ni Isabelle na si Georgina Wilson. At siyempre, hindi man star si Liz Uy, siya naman ang stylist of the stars. Lahat maganda, sosyal at fashionista, tanong lang mga, ‘teh… “May patalbugan ba?”.

Photos of Luz Candaba, Mark Atienza and Parazzi Wires

By Rochelle Marie Sarsosa
Paparampa
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

4 thoughts on “Patalbugan ng Friendship

  1. hahaahah nanghusga na naman kyo ndi pa ninyo nakikita sa personal hayyyyy..pinoy nga naman….ang alam ko maganda siya noh!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.