Pasyente ng mental, nagbigti

LAWIT ANG DILA at patay na nang madiskubre ng mga empleyado ng National Center for Mental Health (MCMH) ang isang pas-yente na nagbigti sa loob mismo ng ospital kahapon ng hapon sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Mandaluyong City chief of Police P/Sr. Supt. Armando Bolalin ang biktima na si Eduard Aldeas, 38 anyos, may-asawa, tubong Tiaong, Quezon at kasalukuyan naka confined sa Unit 2- Isolation Room No.7 sa 2nd Floor ng Pavilion IV Forensic Psychiatric Bldg. ng MCMH.

Sa ulat, dakong alas- 5:10 ng hapon nang madiskubre ang pagpapakamatay, habang nagsasagawa umano ng routine check up ang duty nurse na si Grace Saludes.

Laking gulat nito nang makita ang biktima na nakabitin gamit ang pinagbuhol umanong pang-itaas nitong uniporme na itinali sa leeg at sa pintuang bakal.

Agad na humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan para isalba ang biktima subalit idineklara itong patay na ng duty doctor na si Dra. Marilyn Lin.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng nasabing insidente.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.