Pasyente, Naaktuhang Bumabatak sa Loob ng Ospital

LANGO PA sa droga ang isang 28-anyos na lalaki nang dakpin ng mga kinauukulan habang nasa loob ng ospital sa Dagupan City.

Naaktuhan ng guwardiya ng Region I Medical Center ang suspek na si Rafael Jovellanos habang humihithit ng Shabu sa loob ng kanyang kuwarto sa surgical ward ng pagamutan.

Kaagad itong isinuplong sa mga awtoridad na mabilis namang rumesponde sa insidente dahilan para mahuli ang salarin.

Samantala, nakuha sa kustodiya nito ang isang sachet ng Shabu at ilan pang drug paraphernalia.

Sa ngayon, iniim-bestigahan na ng mga kinauukulan ang pagkukulang ng nasabing pagamutan matapos na mailusot ng suspek ang Shabu.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.