Pasugalan sa basement ng isang police station

0918212xxxx – Sir Raffy, ire-report ko lang po sa inyo na ang mga senior police officers dito sa amin ay ginawang pasugalan ang basement ng police station. Minsan ay ginagawang inuman tapos ay mga nagroronda silang lasing gamit ang patrol car. Sana po ay makalampag ninyo ang mga kinauukulan para maaskyunan ito. Salamat po.

 

0999493xxxx – Sir Raffy, may irereklamo po ako sa inyo, kasi po ay kumuha ako ng police clearance dito sa Bocaue. Nagbayad po ako ng P135 sa window 2 at pagkatapos ay naningil pa ng P120 ang kinuhanan ko ng police clearance ngunit wala namang ibinigay na resibo. Sa dami po ng kumukuha ng police clearance parang sobrang laki ng pera nila. Sana po ay maimbestigahan ninyo ito para matigil na ang mga kalokohan nila. Maraming salamat po.

 

0906241xxxx – Idol, isa po akong concerned citizen, isusumbong ko lang po ang pangongotong ng mga pulis dito sa Timog. Ang plate number ng mobile car nila ay SJA 741, body number QC-1. Isang taxi driver po ang kinotongan noong July 16. Grabe talaga ang kasuwapangan ng mga pulis, harap-harapang pinapakita sa taong bayan. More power to your program Idol!

 

0949386xxxx – Idol Raffy, nais ko lamang pong i-reklamo ang walang tigil na pagputol ng mga puno sa barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna. Natatakot po kami na baka magaya sa Ormoc ang aming lugar dahil hindi po mapatigil ang logging dito sa kadahilanang patuloy ang pagtanggap ng lagay ng mga taga-DENR, LGU at mga pulis. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

 

0949619xxxx – Sir, irereklamo ko lang po ang isang enforcer ng TPMO ng Pasay dahil iyong resibo na i-binigay sa akin ay puro bura at ginamit na sa iba, nilagyan lang ng re-issue. Tama po ba ang ginawa ng enforcer na iyon? Kasi po ay muntik na pong baklasin ng pulis ang plaka ko dahil doon. Sana po ay matulungan ninyo ako. Maraming salamat po. Mabuhay po kayo!

 

0939678xxxx – Idol, isa po akong taxi squad member at nais ko lang pong i-report iyong pulis sa may Mo-riones gate sa pier na sobrang pabaya. Kasi nasa harap na niya mismo ang magnanakaw ay ni hindi pa siya kumilos at hinayaan lang.

 

0922893xxxx – Sir Raffy, itatanong ko lamang po kung tama ba ang ginawa sa akin ng isang enforcer ng Makati kasi nahuli po ako noong isang araw dahil sa violation na no side mirror. Tiniketan po ako pero kinuha din po ang motor ko kasi ang sabi ng enforcer ay baka hindi ko daw tubusin iyong ticket. Tama po ba ang pagkuha sa motor ko? Salamat po.

 

0909535xxxx – Idol Raffy, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito sa bandang Payatas na magkaroon ng police visibility dahil sa talamak na holdapan sa mga jeep na bumibiyahe roon. Sana po ay magkaroon ng aksyon ang aming sumbong. Salamat po.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa channel 41.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.