Pastor na ex-NPA, “pinurga” ng rebelde

PINANINIWALAANG “PINURGA” O pinatahimik ng New People’s Army (NPA) ang dati nilang kasamahan na naging Pastor sa bayan ng Cauyan, Negros Occidetal.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, kinilala ang biktimang si Timoteo Salazar, 54 anyos ng Brgy. Inayawan at dating kasapi ng Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB).

Sa imbestigasyon, tama ng bala ng M16 rifle sa noo at tatlong tama sa likod ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Papauwi na ang biktima galing ng religious ceremony sakay sa motorsiklo kasama ng dalawa pa nang harangin ng tatlong lalaki malapit sa isang ilog sa Sitio Calapnisan sa  Brgy. Inayawan.

Hindi naman sinaktan ang dalawa nitong kasamahan at pinuntirya lamang si Salazar.

Hinala ng awtoridad, paghihiganti ang tinitingnang motibo sa pagpaslang sa biktima dahil sa paghinala na ito ay military informant.

Bago naging pastor ng isang sekta ng relihiyon na “Diyos na Aamahan” ay dating kasapi rin ng NPA ang biktima na nang huli ay umanib sa RPA-ABB. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.