Pastor, Kulong sa Pananampal sa Totoy

KULONG ANG ISANG pastor matapos sampalin ang kalugar na totoy sa loob ng computer shop ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Physical Injury in relation to Child Abuse si Nestor Guerrero, 47 ng Peras St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, alas-9 ng gabi, nasa loob ng computer shop sa loob ng bahay ng suspek ang biktimang 14-anyos nang lapitan si Guerrero at sampalin.

Umuwi ang biktima at nagsumbong sa nanay na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipadakip ang suspek.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinagalit ng suspek sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.