Pastor, Binoga sa Harap ng Anak

NAKABULAGTA AT wala nang buhay ang isang pastor matapos na barilin sa harap mismo ng kanyang anak sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Willie Hermega, pastor ng Jesus Christ Parish Church.

Base sa pagsisiyasat, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Payatas Road nang harangin ng mga salarin at walang awang binaril.

Samantala, nakaligtas naman sa nasabing pamamaril ang anak ng naturang pastor.

Sa ngayon ay inaalam pa rin ng Quezon City Police District ang tunay na motibo sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.