Pastor at asawa, patay sa paninira sa relihiyon

PATAY ANG ISANG pastor at kanyang maybahay nang maburyong ang isang 22-anyos na Katoliko dahil sa ginagawang paninira ng una sa ibang relihiyon kahapon ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang mga biktima na sina Teodoro Badilla, 62, pastor ng Born Again Church at misis nito na si Rebecca Chan-Badilla, kapwa residente ng Brgy. 32 sa nabanggit na lungsod. Samantala, kinilala rin ang suspek na kanilang kapitbahay na si Jayjay Topia, 22.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jojo Lim, Cogon Police Station, alas 3:00 ng madaling araw-kahapon nang pasukin ng suspek ang bahay ng mga biktima at pinagsasaksak kung saan nagtamo ng 14 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang pastor at tatlo ang tinamo ng ginang.

Lumalabas na nagtanim ng galit ang suspek sa mag-asawa dahil sa walang humpay nitong sinisiraan ang ibang relihiyon partikular ang Katoliko upang makaakit ng mga manananpalataya.

Sa pagtatanong sa suspek, kanyang inamin ang krimen, kasabay nito, ang pagtanggi na nasisiraan siya ng bait at lalong hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

(SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.