Pastol ng Itik, Binoga Habang Nagpapahinga

DEAD ON arrival sa Bulacan Medical Center ang isang lalaki na pastol ng itik, makaraang barilin sa ulo ng kanyang kaalitan habang nagpapahinga sa isang kubo ilang metro lamang ang layo mula sa kanyang mga alaga.

Sa ulat na ipinadala ni P/ Supt. Victor Rosete kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H Mendez Jr. kinilala ang nasawing biktima na si Rolando Ortega, 41 anyos, ng Sitio Galas, Brgy. Batasan Matanda, San Miguel, Bulacan, samantalang ang suspek naman na nadakip ay nakilalang si Richard Felipe alyas Balat, nasa hustong gulang, at residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-10:40 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima habang nagpapahinga sa kanyang kubo.

Nabatid na katatapos lamang nitong mag-pastol nang bigla na lamang umanong  sumulpot sa likurang bahagi ng kubo kasama ang isa pang lalaki na armado rin ng baril ng walang sabi-sabing mamaril.

Kaugnay nito, detenido na ngayon ang suspek, habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya habang pinaghahanap pa rin ang kasama nito.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.