Pastillas Girl Angelica Yap, pinalagan ang patutsada ni Maine Mendoza

Pastillas Girl Angelica Yap, pinalagan ang patutsada ni Maine MendozaPinalagan ni Angelica Yap a.k.a. Pastillas Girl ang patutsada ni Maine Something sa mga bashers niya.

“Message ko lang sa inyo ay God bless. Ano kasi, alam n’yo naman na walang maganda o mabuting maidudulot ‘yong ginagawa n’yo pero ginagawa n’yo pa rin.”

“Sana imbes na maghanap kayo ng mali sa amin, ng kapintasan sa amin, e, sana humarap din muna kayo sa salamin. Kasi pare-pareho tayo na hindi tayo perpekto. Lahat tayo nagkakamali.”

“Hindi ako Diyos pero sigurado ako at sinasabi ko sa inyo, kung anuman ‘yong hindi n’yo magandang ginagawa sa kapwa ninyo, babalik din sa inyo,” say ni Maine.

Angelica’s reply was, “You seek respect pero kapag ibang artista ang binabash ng mga fans mo okay lang sa yo? Sows. Welcome to the real world now.”

Ayun, bash ang inabot ni Maine Mendoza sa social media.

“DEAR MAINE MENDOZA, Pinasok mo ang showbiz kaya dapat nag-expect ka na magkaroon ka talaga ng bashers. Kaya nga public figure nga di ba? You can’t impress everyone! Eh ngayon, kung ayaw mo pala mahanapan ng mali o ma-bash ng mga tao, eh sana before mo pinasukan ang showbiz, pinaghandaan mo muna iyang sarili mo! Sumali ka muna ng workshops para malaman mong may talent ka ba talaga maibubuga kasi sa showbiz, laos ang mga walang talent lalo na iyong hindi marunong mag-act! Hindi iyong puro ka lang dubsmash! At tiyaka, pinaghandaan mo rin sana iyang pagmumukha mo, kung ayaw mong ma-bash, sana iretoke mo muna iyang bunganga mo di ba? Maine, again, normal lang sa showbiz ang laiitin ang mga artistang may flaws kasi PUBLIC FIGURE ka na! Eh sana pinaghandaan mo muna iyang sarili mo o ang taas siguro ng expectation mo na ma-impress mo ang lahat ng tao sa showbiz kaya face your consequence. Tsk! Nakakatawa tong si Maine,” tili ng isang guy.

“Ok… Pero iba kasi ang dating ng sinabi ni Meng… Oo, di sya perpekto, oo, di sya Diyos… Pero nakalimutan na ba nyang sabihan yung mismong mga fan nya na brutal kung mambully sa kahit anong post ng ABS?! And she’s begging for respect?! Wow, deserve nya ang ganyang treatment ng REAL FANS, kasi wala pa syang napapatunayan, anlaki na no ulo nya! Dapat nga pag artista sya,expect that there are bashers and people who really hate her, and sa sinabi nyang yan, parang pinatulan na rin nya mga basher nya, and that is not good at all!!!” say naman ng isa pa.

“I understand Pastillas Girl… Hanggang sa kamatayan kasi ng Mom ni Pastillas Girl, binabash pa din siya ng mga Aldogs. Pero wala kayong narinig sa kanya,” say naman ng isa kampi kay Angelica Yap.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleDennis Trillo, inialay kay Jennylyn Mercado ang ‘Best Actor’ trophy mula sa Star Awards
Next articleAlden Richards at Maine Mendoza, hindi na nagtuturo ng magandang values

No posts to display