Passport ng mga sangkot sa pork scam, pinakakansela ng DOJ

PINAKAKANSELA NG Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ng mga mambabatas at iba pang personalidad na kinasuhan hinggil sa pork barrel fund scam.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na kabuuang 37 indibidwal ang kanilang hiniling na tanggalan ng pasaporte, kabilang sina Senador Juan Ponce Enrile, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla na nahaharap sa Plunder.

Kasama rin sa mga pinakakansela ang pasaporte ay si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes na dating chief of staff ni Enrile.

Maaalala na Setyembre 16 nang kasuhan ng DOJ sa Office of the Ombudsman ang 38 indibidwal na may kinalaman umano sa P10 bilyong PDAF scam.

Samantala, kasama na rito ang tunaguriang reyna ng scam na si Janet Lim-Napoles na nakakulong na sa Fort Sto. Domingo sa Laguna dahil sa hiwalay na kaso ng Serious Illegal Detention.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.