Passenger-Cargo Vessel, Lumubog

ISANG PASSENGER-CARGO vessel ang lumubog sa nasasakupang karagatan ng Sibatu Island sa lalawigan ng Bongao, Tawi-Tawi, kamakailan.

Sinabi ni Coast Guard Spokesperson Lt. Cmdr. Armand Balilo na nagkaaberya ang makina ng MT Launch Lucky Man at pinasok ng tubig ang loob nito.

Mabilis namang nakahingi ng tulong ang kapitan ng bangka sa Coast Guard kaya nagsagawa agad ng rescue operation at nailipat sa isa pang bangka ang 55 sakay ng bangka bago tuluyang lumubog.

Samantala, wala namang nasawi o nasaktan sa lahat ng pasahero at tripulante ng lumubog na cargo vessel habang pinagsusumite na ng marine protest ang kapitan nito. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.