Paslit, Tinurbo ng Tindero

WALANG TIGIL ang pagdurugo ng maselang bagi ng katawan ng isang 5 taong gulang na batang babae na tadtad ng pasa ang ulo at mukha habang sabog din ang labi nito na umano’y sinuntok ng lasing na vendor sa Sitio Dike, boundery ng Brgy. Poblacion at Brgy. San Jose, Baliuag, Bulacan, kahapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rizalino Andaya kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Hermino Pagtalunan Y Mallari @Pikoy, 26 anyos, vendor at residente ng Sitio Little Baguio ng Brgy. Poblacion; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Ericka na 5 buwan pa lamang naulila sa ama matapos barilin sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Charito De Leon ng Women’s and Children’s Desk officer, dakong alas-3 ng hapon nang niyaya ng suspek ang bata sa naturang dike, kung saan sinabi nito na hinihintay siya ng kanyang ina sa ilog, kaya malaya nitong nayaya ang bata.

Sa exclusive interview ng Pinoy Parazzi sa musmos na bata, pautal-utal nitong sinabi ang hirap na dinanas niya sa manyakis na suspek. Pinalo umano siya ng matigas na lupa sa kanyang ulo at pagkatapos ay pinagsusuntok sa mukha hanggang sa sumabog ang labi nito, habang pilit na ipinasok ang ari ng lalaki sa kanyang ari.

Nabatid kay Michael, tiyuhin ng biktima na nasaksihan nito sa matalahib na lugar ng dike na nakahubo at hubad ang suspek habang nasa tabi ng kawawang biktima na halos mawalan ng malay dahil sa tindi ng bugbog sa katawan.

Lumitaw sa medico-legal ni Dra. Martines ng Scene of the Crime Operatives na positibong ginahasa ang biktima dahil sa malaking pilas na nakita sa ari ng bata.

Samantala, mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon na ginahasa at binugbog nito ang paslit, dahil natusok lamang daw ito ng kawayan nang ito ay madulas sa dike.

Ayon naman sa ina ng bata, nakatakda sanang tumanggap ng recognition ang kanyang anak sa darating na Abril 12, kung saan ga-graduate ito bilang Daycare student sa kani-lang lugar. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.