Paslit, tinamaan ng ligaw na bala sa buy bust ng PDEA

 

GENERAL SANTOS CITY – Nananatili pa rin sa pagamutan ang isang bata na tinamaan ng bala matapos mabaril sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12.

Nangyari ang insidente sa Brgy. Maribulan, Sitio Sento Dies, Alabel, Sarangani province, ayon kay Jerry PO3 Villares ng Alabel PNP.

Nangyari ang naturang insidente nang iniabot ng suspek na si Ricky Mansira na taga-Poblacion, Alabel ang suspected Shabu sa nagpakilalang buyer.

Umalma umano ang suspek kaya’t nangyari ang habulan at may narinig nang putok ng baril.

Binaril ng hindi pa nakilalang taga-PDEA ang suspek subalit aksidenteng natamaan ang bata sa kamay nito.

Kaagad na nirespondehan ng mga awtoridad ang pangyayari at natagpuang sugatan ang bata kaya’t agad na dinala sa malapit na ospital.

Inaalam na ngayon kung sino ang nagmamay-ari ng baril na nakatama sa nasabing bata. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.