Paslit, Sinakal ng Kalaro, Todas

PATAY ANG 8-taong gulang na grade 1 pupil matapos sakalin ng kalarong grade 3 sa likuran ng kanilang paa-

ralan sa Barangay Santo Angel, Dumalag, Capiz.

Sinabi ni Jan-jan na pinsan ng biktimang si Jun-jun, naglalaro ang biktima sa pinapasukang Bontog Elementary School kasama ang 9-na taong gulang na suspek nang mag-away.

Ilang beses aniyang sinakal at ginulpi si Jun-jun hanggang sa mawalan ito ng malay.

Tinulungan niyang makabangon ang pinsan, pero nang hindi na ito gumalaw ay nagsumbong na siya sa guro.

Nadala pa sa ospital ang biktima, pero binawian din ito ng buhay.

Samantala, dismayado naman ang ina ni Jun-jun at isinisi sa kapabayaan ng mga guro ang pagkamatay ng anak.

Kaugnay nito, balak ng pamilya na paimbestigahan sa Department of Education (DepEd) ang nasabing  insidente.

Sa ngayon, patuloy rin ang pagsisiyasat  ng mga kinauukulan sa kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.