Paslit, Pisak sa Killer Truck

MISTULANG PINITPIT na lata ang bahagi ng ulo ng dalawang taong gulang na batang lalaki makaraang masagasaan ng isang Isuzu Forward truck na close van na may plakang RND-269 na puno ng tsitsirya sa kahabaan ng Cagayan Valley Road, Brgy. Banga 1st, Plaridel, Bulacan.

Kinilala ang nasawing biktima na si John Christian Liwanag, 2 taong gulang, residente ng Brgy. Bagong Nayon, anak ng retiradong  pulis na si Jessie Liwanag ng Malolos City. Habang arestado naman ang driver ng truck na si Anicio Sese, Jr. Y Tiria, 56 anyos, ng Brgy. Sta Monica, San Luis, Pampanga.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 George Ancheta, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Cagayan Valley Road Crossing sakop ng Brgy. Banga 1st.

Ayon sa ilang mga saksi, naglalaro o naghaharutan umano ang dalawang bata, sa nabanggit na lugar kung saan hindi sinasadyang madapa ang paslit sa nabanggit na kalsada dahilan upang masagsaan ang kalahati ng katawan at ulo ng biktima.

Nabatid na namamalengke umano ang mga magulang ng biktima nang maganap ang aksidente.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa Plaridel Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.