Paslit, pisak sa container van

KUMALAT ANG UTAK sa kalsada ng isang 3-taong gulang na batang babae matapos itong magulu-ngan ng 20-footer container van habang ang una ay tumatawid sa kalsada na humahabol sa kanyang ina kamakalawa ng hapon ng Caloocan City.

Agad na binawian ng buhay sanhi ng pagkabasag ng bungo ang biktimang si Princess Loton, 3 anyos, ng Blk. 10, Tanigue St., Brgy. 14, Caloocan City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang driver ng 20-footer Isuzu container van na may plakang RDZ-423.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng naturang lugar malapit sa bahay ng biktima.

Bago ang insidente, paalis ang ina ng biktimang si Mercy para pumasok sa trabaho nang umiyak ang anak nito (biktima) at naghabol sa nanay.

Ayon kay Mercy, hindi niya namalayan na hinabol siya ng kanyang anak at nagulat na lamang siya nang makitang duguang nakahiga ito sa kalsada. Habang mabilis na tumakas ang driver ng truck.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.