Paslit, Patay sa Ahas

CAGAYAN DE ORO City – Patay na nang makarating sa pagamutan ang isang pitong taong gulang na batang babae matapos itong matuklaw ng ahas sa bayan ng Libona, lalawigan ng Bukidnon.

Ang nasabing batang nasawi ay itinago lamang sa pangalang Maria na residente sa nabanggit na bayan.

Base sa impormasyon, naglalaro ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang biglang tuklawin ito ng ahas sa damuhan.

Umiiyak ang bata na umuwi sa kanilang bahay at doon na nalaman ng kanyang mga magulang na natuklaw na ito ng ahas.

Mabilis namang isinugod sa Northern Mindanao Medical Center ang bata ngunit hindi na nailigtas ng mga doktor ang kanyang buhay.

Sinasabing kumalat na ang venom ng ahas sa utak ng bata na naging sanhi ng agarang pagkasawi nito. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.