Paslit, patay; 3 pa, naospital sa panis na mantika

PATAY ANG ISANG tatlong taong gulang na batang lalaki habang kasaluku-yang ginagamot sa Aklan Provincial Hospital ang tatlo pa nitong kapatid

matapos na ulamin ang mantikang baboy sa Barangay Oquendo, Balete, Aklan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na si Daryll Zonio, 3 anyos, residente ng nasabing barangay na binawian ng buhay kahapon ng hapon matapos lamang ang magdamagang pakikipaglaban nito kay kamatayan sa pagamutan.

Habang tatlo pang magkakapatid na Zonio ang kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital ng sabay-sabay na nag-LBM matapos ang hapunan kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na pasado alas-6 ng gabi kamakalawa nang maghapuan ang pamilya Zonio, at dahil wala umanong pambili ng ulam ay ang mantika ng baboy na nilagyan ng kaunting asin ang kanilang inulam.

Subalit ilang oras lamang matapos ang hapunan, nakaramdam na ng pananakit ng tiyan ang apat na magkakapatid na nag-eedad 9, 7, 5 at ang nasawing tatlong taong gulang.

Aminado ang mag-asawang Zonio na may katagalang nakatabi ang mantika ng baboy na kanilang ginawa nang magkatay umano sila ng baboy ilang buwan na rin ang nakararaan.     (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.