Paslit, Nilamon ng Baha

KAMATAYAN ANG sinapit ng isang 3-anyos na batang lalaki matapos itong makabi­tiw sa kanyang tiyuhin at malunod sa baha sa Barangay Malagasang II-E sa Imus City, Cavite kamakailan.

Ilang oras bago pa ma­tagpuan ang labi ng biktimang si Constantine Hernandez ng naturang barangay.

Base sa report ni P01 Merli­ta Bianes, bandang alas-4 ng madaling-araw, nang magpasyang lumikas ang mga residente kasama ang pamilya ng biktima ma­tapos tumaas ang baha hanggang dibdib.

Nabatid na pasan-pa­san ng tiyuhing si Moses Modesto ang biktima kung saan lumusong sa baha upang magtungo sa evacuation center.

Subalit sa lakas ng agos ng baha ay aksidenteng nakabitiw at nahulog ang biktima hanggang sa tangayin ng rumaragasang agos.

Samantala, sinikap na sagipin ng tiyuhin at ilang residente ang biktima subalit mabilis na nilamon ng baha kung saan natagpuan naman matapos lumutang ang bangkay ng paslit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.