Paslit, Nalitson sa Sunog

PATAY ANG isang 3-anyos na batang lalaki makaraang matupok ang kanilang bahay sa kamakalawa ng gabi Talisay City, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Mark Lester Tisoy, residente ng Barangay Bulacao sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay SFO2 Cesar Dela Cerna, Talisay City Fire Station, alas-11:10 ng gabi nang maganap ang sunog.

Nabatid na ang pamil-

ya ng biktima ay nagnenegosyo ng paggawa ng mga imahe at dahil sa dami ng order ay nag-overtime ang mga ito.

Dahil dito, walang nakapuna sa bata na naglaro ng posporo sa loob ng kanilang bahay kung saan nakaimbak ang mga thinner at pintura.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, umaabot sa P175,000 ang halaga ng pinsala sa sunog na umabot ng ikalawang alarma.

(EUNICE CALMA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.