Paslit, nadurog sa bus

MALAGIM ANG SINAPIT ng isang 4-anyos na taong gulang na paslit nang halos madurog ang mura nitong katawan makaraang masagasaan ng pampasaherong bus sa Passi City, Iloilo.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame kahapon, kinilala ang biktima na si Devon John Bukenia, residente ng Barangay Dilicanan.

Sa salaysay ng sumukong driver ng Ceres Bus na si Ferdinand Makatyag, 46, residente ng Brgy. Cag-ang, Anilao, biglang tumawid ng kalsada ang biktima at huli na para siya makapagpreno.

Sinabi naman Insp. Felix Alyansa, deputy chief of police ng Passi City PNP, iniwan ng kanyang nakatatandang kapatid ang biktima para sana uminom ng tubig ngunit tumawid ito sa daan at nasagasaan.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.