Paslit, Nabulag; Mangingisda, Lasog sa Dinamita

MALAGIM ANG sinapit ng isang mangingisda nang mahati ang katawan nito habang nabulag ang isang paslit makaraang sumabog ang isang dinamita sa Pandanon, Getafe, Bohol kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, kinilala ang nasawi na si Loloy Pacansa, residente sa lugar habang tinawag na Titoy ang paslit na 10-anyos na nabulag.

Pasado alas-7 ng gabi nang aksidenteng sumabog ang hawak ni Pacansa na dinamita dahilan para malasog ang kanyang katawan.

Ayon sa mga residente sa lugar, isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa kanila ilang minuto matapos makaalis ng mga biktima at nagpaalam na papalaot upang manghuli ng isda.

Matapos ang malakas na pagsabog kaagad na lumutang ang katawan ni Pacansa na hati ang katawan habang tuluyan nang nawalan ng paningin ang menor de edad na kasama nito.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.