Paslit, nabigti sa duyan ng kapatid na sanggol

PATULOY NA iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang 12-anyos na batang lalaki kung nagpakamatay ito o nadisgrasya lamang na mabigti ng lubid habang idinuduyan ang sanggol na kapatid sa Barangay Bula, General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Justin Jopson, residente ng Zone 7 ng nasabing barangay.

Ayon sa ina ng biktima na si Bernadette Jopson, isang empleyado ng barangay, pasado alas-6 ng gabi ng Sabado nang madatnan sa kanilang bahay ang anak na nakadapa at may tali sa leeg.

Nasa duyan naman ang kapatid ng biktima na nagpapalahaw sa iyak nang naabutan ng ina.

Kaagad na dinala sa pagamutan ang biktima subalit idineklara ng doktor na dead on arrival.

Hindi makapaniwala ang ina na gagawin ng anak ang magpapatiwakal dahil papasok na ito sa pasukan bilang 1st year high school.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Paslit, nabigti sa duyan ng kapatid na sanggol

Leave a Reply

Your email address will not be published.