Paslit na Lulan ng Toy Car, Pisak sa Jeep

PATAY ANG anim na taong gulang na batang lalaki matapos itong masagasaan ng pampasaherong jeep habang ang una ay lulan ng kanyang toy car habang tumatawid sa kalsada kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot pang buhay nang dalhin sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng pagkabasag ng bungo at pagkalasog ng katawan ang biktimang si Geraine Cobarrubias, ng Phase 2, Bagong Silang, Caloocan City.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Joey Laconsay, 28, driver, ng Phase 8, Bagong Silang nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi, binabaybay ng suspek ang main road ng Phase 2, Bagong Silang, kung saan minamaneho nito ang pampasaherong jeep (TXG-297).

Sa kabiglaanan ay hindi nito napansin ang papatawid na biktima na sakay ng laruan nitong sasakyan hanggang sa masagasaan nito.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Si Laconsay ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.