Paslit na babae, patay sa poste ng kuryente

PATAY NA NANG makarating sa pagamutan ang isang paslit makaraang madaganan nang nabuwal na poste ng kuryente sa Glan, Saranggani kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Sarah Jane Roda, 8-anyos, at residente sa lugar.

Sa salaysay ng tiyuhin ng bata na si Rey Señesa, naglalaro ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang biglang matumba ang poste ng kuryente.

Sinasabing lumambot umano ang pundasyon ng poste at malakas pa ang ihip ng hangin na siyang dahilan ng pagkatumba ng poste.        (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.