Paslit, minolestiya ng lolo

SWAK SA KULUNGAN ang isang 62-anyos na lolo matapos nitong molestiyahin ang 5-taong gulang na batang babae nang aktong makita ito mga kalaro ng huli kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 ang suspek na si Ramon Vergara, may-asawa, ng No. 1490 DM Compound, Brgy. 73, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa naturang lugar.

Ayon sa salaysay ni Joan, 5, ng Caloocan City, sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Caloocan police, tinawag siya ng suspek sa loob ng bahay nito at doon isinagawa ni Vergara ang kawalanghiyaan nito.

“Hinubad po niya panty ko tapos ganun din po si tatay (suspek) tapos kiskis niya sa ano ko at hinalikan ako,” kwento pa ni Joan.

Nakita naman ng kanyang mga kalarong bata ang biktima na pumasok sa loob ng bahay ng suspek kung kaya’t sinundan ng mga ito at nagulat sila sa kanilang nakita dahilan upang isumbong sa ina ni Joan ang ginawang kababuyan ng suspek.

Dito, agad na humingi ng tulong ang ina ng biktima sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip kay Vergara sa Reparo St., Bagong Barrio, Brgy. 145, Caloocan City kung saan ito nagtago. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.