Paslit, Kritikal sa Saksak at Tangkang Pagsunog ng Tatay

KRITIKAL PA rin ang 2 taong gulang na bata matapos itong saksakin at tangkaing sunugin ng sarili nitong tatay na residente ng Block 1 Lot 21, El Dorado Dulo St., Barangay Don Bosco, Parañaque City.

Nailipat na sa Philippine General Hospital (PGH) mula sa Parañaque Doctors Hospital ang bata na nagtamo ng malalim na sugat sa leeg at ibang parte ng katawan. Sunog din ang kaliwang braso nito.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sinaksak ng ama ang bata sa loob ng bahay saka inilabas at sasaksakin pa umano ng screw driver. Napansin umano ng suspek na dudumugin siya ng mga kapitbahay kung kaya’t sinilaban nito ang motorsiklo na siyang dahilan ng paglapnos ng braso ng bata.

Kuwento ng mga kapitbahay, nagalit u-mano ang tatay ng biktima nang magpunta ito sa computer shop.

Maaari rin umanong gumagamit ng droga ang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.