Paslit, kinabayo ng matandang binata sa damuhan

MARILAO, BULACAN – DAHIL sa malakas na iyak, huli sa akto ng kanyang nanay, ang isang matandang binata habang nakakubabaw sa pitong taong gulang nitong anak na babae, sa madamong lugar sa isang bakanteng lote sa Town & Country Subd., Brgy. Abangan Norte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez ,Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Albert Gondollas Y dela Cruz,  40 anyos, binata, isang construction worker, kapitbahay ng biktimang itinago sa pangalang Ariana.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Joel Boaolan, dakong alas-7 ng gabi nang mapansin ng ina ng bata, na wala ito sa loob ng kanilang tahanan,na una’y inakala lamang nito na bumili ng pagkain sa tindahan. Subalit makalipas ang ilang minuto, nakarinig siya ng iyak ng bata na hindi kalayuan mula sa kanilang bahay.

Agad umano nitong pinuntahan ang pinagmumulan ng iyak ng bata, laking gulat nito nang makita niya ang  kanyang anak na kinukubabawan ng matandang binata na kanilang kapitbahay. Dahil sa taranta, nagsisigaw ito ng tulong, na agad namang narinig ng mga nagro-rondang barangay tanod dahilan upang madakip ang suspek.

Samantala, detenido nga-yon ang suspek sa Marilao Municipal Jail habang inihahanda ang kasong  Rape in relation to Republic Act 7610 o Child Abuse Law.            (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.