Paslit, Itinumba ng Sekyu

PATAY ANG isang batang lalaki na namumulot ng pira-pirasong bakal matapos itong barilin ng security guard sa bahagi ng Belle Fort Estate Subd. sa Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Hindi pa malaman kung ano ang pagkakakilanlan ng biktima na may edad 8 hanggang 10.

Sa ngayon, pinaghahanap naman ng mga kinauukulan ang salarin na si Roberto Gaucela ng Cypress Security Agency at nakatira sa Sitio Polo, Brgy. Anabu 2-C, Imus City.

Sinabi ni SPO1 Joel Malinao na naka-duty ang salarin sa naturang lugar nang mamataan ang bata na nangu-nguha ng mga bakal sa loob ng nabanggit na subdivision.

Samantala, hindi sinita ng salarin at sa halip ay binaril ng sekyu ang paslit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.