Paslit, Inuwing Bangkay Mula sa Camping

LABIS ANG pagdadalamhati ng magulang ng isang 9-anyos na paslit na babae makaraang bangkay na itong naibalik sa kanila ng kanyang guro at kaklase sa lalawigan ng Ifugao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nangyari ang aksidente dakong alas-3:00 ng hapon sa Lamut River.

Kinilala ang nasawing paslit na si Honey Kimmayong, ng Pindungan Elementary School sa bayan ng Kiangan Ifugao.

Naligo ang biktima kasama ang iba pang mga kaklase nang malunod ito, bagamat agad na nakahingi ng tulong at nagsagawa ng rescue operation ay pasado alas-3:30 na ng hapon o kalahating oras nang nakababad sa tubig ang paslit bago ito na rescue.

Naisugod man sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ay idineklara naman itong dead on arrival.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.