Paslit, iniligtas ng anghel

NAKALIGTAS SA tiyak na kapahamakan ang isang taong gulang na batang lalaki na sinasabing iniligtas ng anghel matapos pumailalim sa pampasaherong jeepney sa kahabaan ng kalsada sa Barangay 6 sa Laoag City, Ilocos Norte kamakailan.

Lumalabas sa report na binabantayan ng lolo na si Elmer Obaldo ang kanyang apong si Lumberg Obaldo nang hindi namalayan na umalis na pala sa kanyang tabi ang bata, at namataan na lamang na nasa gitna ng kalsada.

Dahil sa nag-aaral pa lamang na maglakad ang paslit ay bigla itong nadapa kung saan eksakto naman na dumaan ang isang pampasaherong jeepney.

Halos matulala naman ang lahat ng nakasaksi na napasigaw nang makita ang nasabing bata na nasa ilalim ng jeepney.

Laking gulat at pasasalamat ng mga residente nang makitang hindi tinamaan ng gulong o anumang parte ng sasakyan ang paslit na nasa ilalim pa rin nito.

Kaagad na isinugod sa pagamutan para suriin ngunit walang nakita na kahit anumang sugat at pinsala sa katawan ng bata.

Samantala, karamihan sa mga nakasaksi ang naniniwala na ang pagkadapa ng bata ay ginawa ng kanyang guardian angel upang iligtas ito sa nakaambang kamatayan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.