Paslit, Hinalay ng Manyak na Welder

SHOOT SA kulungan ang manyakis na welder makaraang ireklamo ng panggagahasa ng mga magulang ng limang taong gulang na batang babae kamakailan sa Navotas City.

Nakapiit sa detention cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Statutory Rape sa tanggapan ng Navotas Prosecutor’s Office ang suspek na si Jessie Pablo, may asawa, ng Tulay 16 ng nasabing barangay.

Sa ulat ng isinagawa ni Sp01 Belany Dizon ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police, dakong alas-4:00 ng hapon nang pagsamantalahan ng suspek ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Sa reklamo ng ina ng biktima, pinaliguan niya ang kanyang anak nang mapansin ang ari nito na namamaga dahilan upang dalhin sa pagamutan ang huli.

Dito, nagkuwento ang biktima sa kanyang ina at minuwestra kung kung paano siya pagsamantalahan ng suspek.

Agad na nagsumbong sa pulisya ang ina ng biktima na naging dahilan ng pagkakadakip kay Pablo.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.