Paslit, ginahasa ng sariling ama

SWAK SA KULUNGAN ang isang ama ng tahanan matapos nitong gahasain ang 4-na taong gulang na anak sa loob ng kanilang bahay, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police at nahaharap sa kasong Rape ang suspek na si Orlando Estologa, 36, tubong-Quezon City, at residente ng Sitio Matarik Lower Area A Bgy. 175, Camarin, Caloocan City.

Personal namang sinamahan ng kanyang ina ang biktimang itinago sa pangalang Kring-Kring, 4, upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Sa imbestigasyon na isinagawa ni P03 Nicah C. Belo, may hawak ng kaso, ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD), Sub-Station-5 Caloocan Police, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa naturang lugar.

Ayon sa saksing si Betty, 12, (di-tunay na pa-ngalan), kalaro ng biktima, nagtungo siya sa bahay ng huli para makipaglaro subalit nagulat ito sa kanyang nakita na nakakubabaw kay Kring-Kring ang kanyang tatay (suspek) at pinaghahalikan ito.

Dito, lumabas siya ng bahay at isinumbong sa kanyang lola ang kanyang nakita, ganu’n din sa nanay ng biktima at agad na nagtungo sa barangay na naging dahilan ng pagkakadakip sa suspek.

Dinala naman sa Tala Hospital ang biktima para sa eksaminasyon at nang maging positibo ay tuluyan nang isinampa ang kasong Rape kay Estologa sa Caloocan City Prosecutor’s Office.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.